|
||||||||
|
||
20170615melo.mp3
|
Foreign remittances umabot ng US$ 10 bilyon sa unang apat na buwan
LUMAGO ang padalang salapi ng mga manggagawang Filipino mula Enero hanggang Abril ng taong ito at umabot sa US$ 10 bilyon.
Ayon kay Bangko Sentral Governor Amando Tetangco, ummabot sa 4.7% ang inilago ng remittances kung ihahambing sa ipinadalang salapi noong unang apat na buwan ng taong 2016.
Ang personal remittances ng mga manggagawang land-based na may kontratang higit sa isang taon ay umabot sa US$ 7.8 bilyon samantalang ang sea-based at mga land-based workers na may kontratang wala pang isang taon ay umabot sa US$ 2.1 bilyon. Ang personal remittances noong nakalipas na Abril na may halagang US$2.3 bilyon ay mas mababa ng 5.2% kaysa natanggap na salapi noong Abril 2016.
Sa unang apat na buwan ng taong 2017, ang salaping idinaan sa mga bangko ay tumaas ng 4.2% kaysa ipinadalang salapi noong 2016 at umabot sa US$ 9.0 bilyon. Ang remittances na ipinadala ng land-based workers ay tumaas ng 5.8% na naging pambawi sa pagbaba ng 1.4% mula sa sea-based workers' remittances.
Sa buwan ng Abril, ang cash remittances ay bumaba ng 5.9% sa paghahambing sa ipinadalang salapi noong 2017 at nakamtan lamang ang US$ 2.1 bilyon.
Ito ay dahilan sa pagbaba ng 7.6% sa cash remittances ng land-based workers na nakapawi sa bahagyang pagtaas ng salaping mula sa mga magdaragat na kinakitaan ng 0.3%.
Nanguna sa kinakitaan ng pagbaba ng padalang salapi noong Abril ang Saudi Arabia dahil sa pag-uwi ng mga manggagawa sa ilalim ng Amnesty Program. Bumaba rin ang padalang salapi mula sa Singapore, Australia at United Kingdom.
Isa pa ring nakikitang dahilan sa pagbaba ng cash remittances sa mga bansang ito ay dahil sa mas mababang American dollar remittances noong Abril sa depreciation ng salapi sa mga bansang kinalalagyan ng mga Filipino sa paghahambing sa US Dollar tulad ng Singapore dollar, Australian dollar, pound sterling at Euro. Nabawasan din ang bilang ng araw na may bangko noong Abril kaysa noong Abril ng 2016.
Ang salaping mula sa United States, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Canada ang bumubuo sa higit sa 80% ng total cash remittances sa unang apat na buwan ng 2017.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |