Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Tsina sa padalang sandata

(GMT+08:00) 2017-06-29 16:08:59       CRI

Pangulong Duterte, nagpasalamat sa Tsina sa padalang sandata

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaang Tsino sa kanilang ipinadalang mga sandatang magagamit ng mga kawal sa paglaban sa mga terorista sa Mindanao.

Sa seremonyang idinaos sa dating paliparang kontrolado ng mga Americano, ang Clark Air Force Base, sinabi ni Pangulong Duterte na malaki ang magagawa ng mga ipinadalang kagamitan para sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.

Ayon sa pangulo, noong dumalaw siya sa Tsina noong Oktubre ng nakalipas na taon, nagkasundo sila ni Pangulong Xi Jinping na labanan ang lumalagong terorismo sa Mindanao at pamimirata sa mga karagatang nasasakop ng Pilipinas.

Sinabi pa ng pangulo na sa pag-aalok na ito, nakikita na ang mabuting kalooban ng mga Tsino. Matapos magparamdam ang mga Maute noong nakalipas na Mayo 23 sa Marawi City, inulit na muli ng mga Tsino ang alok na tulong. Nagkasundo na umano sila sa pagkakaloob ng Tsina ng kagamitan.

Ito umano ay bagong bahagi ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, dagdag pa ni G. Duterte. Hiniling niya kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua na iparating kay Pangulong Xi Jin ping ang kanyang pagbati at pasasasalamat.

Idinagdag pa rin ni Pangulong Duterte na bukas ang Pilipinas sa lahat ng nais tumulong sa pagtatayo ng bagong Marawi City. Handa umano ang Pilipinas na tumanggap ng tulong nang walang pakikialam sa mga usaping pangloob ng bansa.

Samantala, sa panig ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagpasalamat siya sa karagdagang sandata na pinangangasiwaan ng Government Arsenal, isang tanggapan sa ilalim ng Department of National Defense.

Nagkakahalaga ito ng RMB 50 milyon o P 371 milyon at binubuo ng 90 piraso ng sniper rifles, 3,000 unit ng M4 at anim na milyong iba't ibang uri ng bala na dinala ng apat na eroplano ng People's Liberation Arny.

Ani Secretary Lorenzana, mapakikinabangan ito ng mga kawal sa kanilang operasyon laban sa mga Maute sa Marawi City.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>