|
||||||||
|
||
Imbestigasyon sa "fake news" suportado ni Secretary Andanar
SUPORTADO ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ang gagawing pagsisiyasat sa mga sinasabing "fake news" na ipinatatawag ng Senado.
Sa isang panayam sa telebsiyon, sinabi ni Secretary Andanar na kailangang mabatid ang katotohanan. Hinihiling ni Senador Joel Villanueva na parusahan ang mga tao, tanggapan at samahan na nag-aalok, naglalathala, namamahagi ng maling balita sa pahayagan, radyo't telebisyon at maging sa social media.
Nanawagan din si Senador Grace Poe, chairpeson ng Senate Committee on Public Information na magsiyasat sa "fake news" na lumabas matapos maglabas ng pahayag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagsasabing may ilang mambabatas ang nakipag-usap sa mga pamilya ng mga politiko sa Marawi City bago sumiklab ang labanan.
Binawi naman ni Secretary Aguirre ang pahayag.
Sa panayam, sinabi ni Secretary Andanar na kailangang alamin kung ano ang kahulugan ng balita. Nais niyang mabatid kung ang isang taong may libu-libong tagasunod, kung maglalabas na umano ng kwento ay hindi kaagad maituturing na balita.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |