|
||||||||
|
||
ResortsWorld, binuksan nang muli
NATAPOS na ang suspension ng operasyon ng ResortsWorld na pag-aari ng Travellers International Hotel Group matapos ang masusing pagsusuri at talakayan na ginawa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. Nagkabisa ang pag-aalis ng suspension ngayong araw na ito.
Sumunod na umano ang Travellers International Hotel Group sa security at safety improvements tulad ng pagkuha ng bagong security agency at mga dalubhasa na magsusuri at magpapahusay ng safety at security systems. Pagdaragdag ng x-ray machines at metal detectors, pagdoble sa bilang ng mga bantay o guwardiyang may sandata.
Rekomendasyon din ng PAGCOR ang patuloy na pagbabalik-aral at pagpapahusay ng safety at security protocols sa iba't ibang emergency situations. Magkakaroon na rin ng dagdag na safety at security seminars para sa mga kawani bukod sa pagkuha ng structural engineers upang suriin ang katatagan ng gusali at pagkakaroon ng fire safety inspection certificate.
Kinilala rin ng PAGCOR ang kalagayan ng may 6,000 kawani na posibleng mawalan ng hanapbuhay. Nawawalan rin ang pamahalaan ng P 14 milyon bawat araw dahil sa suspension order.
Kahit pa inalis na ang suspension, hindi naman nababalewala ang posibleng pananagutan ng mga opisyal ng TIHG na sinusuri na ng ibang tanggapan ng pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |