Kontrobersyal na police chief, inilipat na sa Iloilo City
INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo na sa Iloilo City ang kontrobersyal na chief of police na si Chief Inspector Jovie Espenido mula sa kanyang puesto sa Ozamiz City.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati. Sinabi ni G. Duterte na hiniling ni Espenido na madestino sa Leyte at namatay ang mayor ng Albuera. Humiling din ng assignment sa Ozamiz City at napaslang din ang punong-lungsod sampu ng kanyang maybahay. Hiniling din umano ni Espenido na madestino sa Iloilo City dahil nabalitang drug protector si Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog. Baka raw kasi siya na naman ang pagbintangan.
Pinaalalahanan ni G. Duterte si Espenido na sumunod sa rules of engagement na itinuturo sa Philippine National Police. Murder at homicide ay hindi pinapayagan ng batas, dagdag pa ng pangulo.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos gawaran ng parangal na Order of Lapu-Lapu si Espenido sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani.
1 2 3 4