Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, nakiramay sa mga biktima ng bagyo sa Estados Unidos

(GMT+08:00) 2017-08-28 16:19:51       CRI

Ama ng mga Maute, namatay sa pagamutan

PUMANAW na si Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Maute na namuno sa pagsalakay sa Marawi City noong ika-23 ng Mayo taong ito. Pumanaw si Cayamora samantalang detenido sa Camp Bagong Diwa, sa isang pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon sa pahayag ng BJMP, na sa malubhang kalagayan ang nakatatandang Maute ng isugod mula sa special intensive care unit mga ikatlo ng hapon kahapon. Dinala siya sa Taguig-Pateros District Hospital at doon na nasawi.

Tumaas umano ang blood pressure at nahirapang huminga. May diabetes, hypertension at hepatitis ang nakatatandang Maute. Dinala ang labi ng pumanaw sa isang mosque sa Quiapo at inilibing din ayon sa tradisyon ng mga Muslim kagabi.

Magugunitang nadakip si Cayamora sa isang military checkpoint noong ika-anim ng Hunyo. Hindi nagtagal, nadakip din ang kanyang maybahay na si Farhana. Detenido ang mag-asawa sa Camp Bagong Diwa.


1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>