Mga magulang ni Kian Delos Santos, kinausap ni Pangulong Duterte
NAKAUSAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang ng napaslang na 17 taong gulang na si Kian Loyd delos Santos sa Malacanang Park kanina.
Naganap ang pag-uusap sa Malago Clubhouse matapos dumalaw ang pangulo sa lalawigan ng Pampanga. Ang pamilya delos Santos umano ang humiling na makaharap ang pangulo. Walang iba pang detalyes na nakuha hanggang sa sinusulat ang balitang ito.
Napaslang ang 17-taong gulang na si Kian sa isang police operation sa Caloocan City noong nakalipas na ika-16 ng Agosto. Pinapanagot na ang mga pulis ng Caloocan na dumakip at sinasabing pumatay sa menor-de-edad. Naihatid na sa huling natungan ang labi ng biktima noong Sabado.
1 2 3 4