Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Budget ng Commission on Human Rights na P 1,000, 'di magaganap

(GMT+08:00) 2017-09-20 17:46:10       CRI

Iba't ibang bahagi ng Metro Manila ang dadaanan ng mga magpoprotesta

TULOY ang malawakang pagkilos ng iba't ibang grupong kasama sa Movement Against Tyranny bukas. Layunin ng pagtitipon na manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang madugong kampanya laban sa illegal na droga na ikinasawi na ng higit sa 12,000 katao.

Kasabay din sa pagtitipon ang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Ganap na ikawalo ng umaga ay magtitipon na ang mga pansamantalang naninirahan sa Sitio Sandugo sa Diliman, Quezon City sa harap ng Kampo Aguinaldo at nakatakdang magsunog ng effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pagsapit ng tanghali magsasama-sama ang mga grupong alyado sa Bagong Alyansang Makabayan sa University of the Santo Tomas sa Espana, Maynila.

Nakatakdang mag-martsa ang grupo patungo sa Mendiola sa Sampaloc, Maynila at dadalao sa Misa sa San Agustin Church sa ganap na ikalawa ng hapon. Pamumunuan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang misa samantalang magsasama-sama ang mga mag-aaral mula sa De La Salle, St. Scholastica's College, University of the Philippines-Manila sa Padre Faura at magmamartsa patungo sa Luneta.

Ganap na ikalima ng hapon magsisimula ang palatuntunan at magkakaroon ng pagbatingaw ng mga kampana pagsapit ng ikawalo ng gabi na hudyat ng paggunita sa mga nasawi sa tinaguriang extra-judicial killings.

Naideklarang walang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng pamahalaan kamakalawa.

1  2  3  4  5  6  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>