|
||||||||
|
||
Relasyon ng Pilipinas at Tsina, higit na gumanda
RELASYON NG PILIPINAS AT TSINA NA SA "GOLDEN ERA" Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa kanyang talumpati kagabi sa pagdiriwang ng ika-68 taon ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Na sa larawan din si Foreign Affairs Undersecretary Linglingay Lacanlale at Senate President Aquilino Pimentel III. (Melo M. Acuna)
MAS naging makabuluhan at napakikinabangan ng Tsina at Pilipinas ang magandang relasyong namamagitan mula ng maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.
Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa idinaos na pagdiriwang sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China sa Makati Shangri-La Hotel kagabi.
Sa kanyang talumpati, higit na yumabong ang pagkakaibigan ng dalawang bansa kahit hindi pa nagdiriwang unang taong panunungkulan si G. Duterte. Nagsimula ito sa matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Beijing noong Oktubre na nagbukas ng daan upang magkaroon ng pagpapalitan ng mga pagdalaw ng matataas na opisyal ng pamahalaan.
Kabilang umano sa mga dumalaw sa Tsina ay sina Senate President Aquilino Pimentel III at Speaker Pantaleon Alvarez.
Idinagdag pa ni Ambassador Zhao na pinakamalaking kasama sa kalakal ng Pilipinas ang Tsina sapagkat ang bilateral trade ay umabot sa US$ 27.86 bilyon sa unang pitong buwan ng 2017 na kinakitaan ng 7.6% na dagdag kung ihahambing sa nakalipas na 2016.
Umabot na sa US$ 35 milyon ang Foreign Direct Investments ng Tsina sa Pilipinas. Tutulong din ang Tsina sa infrastucture development program ng Pilipinas at makasasabay sa Belt and Road Initiative ng Tsina. Makatutulong din ito sa "Build, Build, Build" program ng Pilipinas.
Nadagdagan na rin ang bilang ng mga turistang Tsino na dumadalaw sa Pilipinas sa pagkakaroon ng 33.4% dagdag sa nakalipas na taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |