Pilipinas, naging punong-abala sa paglagda sa ASEAN Grid Integration deal
SUMAKSI at naging punong-abala sa kasunduang nagsasama-sama sa power grids ng Laos, Malaysia at Thailand. Ito ang nasa ilalim ng Electricity Purchasse Wheeling Agrfeement na nilagdaan kanina sa 35th ASEAN Energy Ministers Meeting sa Conrad Hotel Manila. Lumagda sina Bounuom S Syvanpheng ng Electrice du laos mula sa Lao People's Democratic Republic, Komsrasit Pakchotanon ng Electricity Generating Authority Thailand at Datuk Seri Iz. Azaman Mohd ng Tenaga National Berhad mula sa Malaysia.
Sumaksi ang iba't ibang energy ministers sa paglagda. Sinabi ni Philippine Energy Secretary Alfonso C. Cusi na ang ASEAN ang siyang nararapat paglagakan ng invesments at ang kasunduang ito ng mga kasapi ng ASEAN ay magpapakita ng transparency at openness. Maipatutupad na ang unang bahagi ng kasunduan sa mga bansang Laos, Thailand, Malaysia at Singapore. Kasama sa kasunduan ang pagbili ng Malaysia ng hanggang 100 megawatts mula sa Laos na dadaan sa transmission grid ng Thailand.
Ang ASEAN Power Grid ay isa sa mga programa sa ilalim ng ASEAN Plan of Action for Energy Cooperation na nagmula noong 2016 hanggang 2025. Higit na tatatag ang energy security, accessibility, affordability at sustainability, dagdag pa ng Department of Energy ng Pilipinas.
1 2 3 4