Potensyal ng joint exploration sa South China Sea, pinag-uusapan na
SINABI ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na nasa panimulang bahagi pa lamang ng pag-uusap ang Tsina at Pilipinas sa posibleng joint exploration ng South China Sea matapos lumabas ang potensyal na malaking pagkukunan ng petrolyo at natural gas.
Sa isang panayam kagabi sa pagtitipong itinaguyod ng Chinese Embassy, sinabi ni Ambassador Zhao na mayroong pag-uusap na nagaganap subalit napaka-aga pa upang maibigay ang detalyes.
Samantala, sinabi ni Energy Director Jesus Tamang na bagama't magaganap ang ASEAN plus Three Meeting bukas na katatampukan ng Energy Ministers ng ASEAN kasama ang Tsina, Japan at Korea, hindi nakasama sa paksang pag-uusapan ang potensyal ng pagtutulungan ng Tsina at Pilipinas.
Sinabi ni Energy Undersecretary William Fuentebella na ang pag-uusap at magaganap sa bilateral meeting ng Tsina at Pilipinas na magaganap din bukas. Bagaman, sarado sa mga mamamahayag ang paghaharap ng ASEAN at Tsina, Japan at Korea.
1 2 3 4