Panukalang "federalism" hindi nakalaan kay Pangulong Duterte
NILIWANAG ni Senate President Aquilino Pimentel III na ang panukalang pagkakaroon ng federalist system sa bansa ay hindi nangangahulugang nakalaan ito para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa pangulo ng Senado, isinusulong na ng PDP-Laban ang pagtutungo sa federalist form mula pa noong itatag ang partido noong 1982 ng kanyang amang si Senador Aquilino Q. Pimentel Jr.
Si Senador Koko Pimentel ang pangulo ng PDP-Laban samantalang chairman ng partido si G. Duterte.
1 2 3 4 5