Lupon, susuriin ang pagkasawi ng 14 na batang nabakunahan ng Dengvaxia
ISANG lupon ng mga dalubhasa mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital and magbabalik-aral sa kaso ng may 14 na batang nabakunahan ng Dengvaxia upang mabatid kung may koneksyon ang kanilang pagkasawi sa bakuna.
Sa isang pulong, sinabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na nagsumite na ang Department of Health ng kumpletong case records ng 14 na nabakunahang mga bata sa pag-itan ng Abril 2016 at Disyembre ng 2017.
Ang 15 na bata ay mula siyam hanggang 11 taong gulang ay mula sa Central Luzon, Southern Tagalog at Metro Manila na target areas ng pagbabakuna noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Hindi raw lahat ng nasawi ay dahilan sa dengue.
Walang itinakdang deadline sa pagtatapos ng pagsusuri ng lupon na pamumunuan ni Dr. Juliet Sio-Aguilar ng UP-PGH Department of Pediatricts.
1 2 3 4 5