|
||||||||
|
||
Dokumento ng Rappler, pinawalang-saysay ng Securities and Exchange Commission
PINAWALANG-SAYSAY ng Securities and Exchange Commission ang mga dokumento ng online news outfit na Rappler at ng Rappler Holdings Corporation sanhi umanong paglabag sa batas sa pagkakaroon ng mga banyagang may-ari ng kumpanya.
Sa isang desisyong may petsang ika-11 ng Enero na inilagay sa website ng SEC at ipinadala sa mga mamamahayag kanina, pinawalang-saysay ng SEC ang sertipio ng mga kumpanya sanhi ng 'di pagtupad sa batas.
Ipinagkatiwala umano ng Rappler ang pag-aari sa mga banyaga at maging sa Rappler Holdings Corporation sa pag-ikot sa itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Sinabi ng SEC na ang pagbabawal sa foreign equity ay maliwanag. Ang alinmang pagkakaroon ng mas mababa sa 100% pag-aari ng mga Filipino ay isang paglabag sa batas.
Ayon sa Rappler, gagawin nila ang lahat na legal upang ipagtanggol ang interes ng kanilang mga kumpanya. Ipaglalaban din nila ang kanilang kalayaang mamahayag at karapatang mapakinggan sa malayang pamamaraan tulad ng Rappler. Mula umano ng sila ay mabuo noong 2012 ay sumunod na sila sa batas. Ipinagtatanong din nila ang panahon ng paglalabas ng desisyon na ayon sa kanila ay isang uri ng harrassment.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |