|
||||||||
|
||
Armed Forces of the Philippines, kinondena rin ang pagpaslang sa mga magsasaka
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines sa mga biktima ng pagpasalang sa Barangay Bulanon, Sagay City noong Sabado.
Sa isang pahayag, sinabi ni Brig. General Edgard Arevalo na kasabay ng kanilang pakikiramay ang pangangakong gagawin ang lahat upang malutas ang krimen.
Tutulong ang Armed Forces of the Philippines upang makilala ang mga may kagagawan, maipagsakdal ay maparusahan ang mga salarin.
Inatasan na ni AFP Chief General Carlito Galvez, Jr. ang commanding general ng 3rd Division na si Major General Dinoh Dolina na alamin ang pangangailangan ng mga pamilya ng mga napaslang at tulungan kaagad.
Nakikipagtulungan na umano ang heneral sa mga pulis at opisyal ng pamahalaang lokal upang magawa ang malawakang imbestigasyon.
Nagpadala na rin ang AFP ng salapi upang makatulong sa mga naulila. Bagaman, ikinabahala ni Brig. General Arevalo ang pagsisi sa Armed Forces of the Philippines at sa pamahalaan sa naganap na krimen.
Ikinabahala rin ni General Arevalo, isang ring abogado, ang pahayag ni Atty. Neri Colmenares na nagsasabing kagagawan ng Armed Forces of the Philippines ang pagpaslang kahit wala pang imbestigasyong nagaganap.
Kailangang maghinay-hinay sa pagpapahayag ng walang kaukulang detalyes, panawagan pa ni General Arevalo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |