Department of Agrarian Reform, nabahala sa mga pagpaslang sa Negros
SINABI ni Agrarian Reform Secretary John R. Castriciones na marapat lamang kondenahin ang pagpaslang sa siyam na nagtatanim ng tubo sa Hacienda Nene sa Sagay City.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Castriciones na kailangan ang payapang paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan hinggil sa mga lupain sa pagitan ng mga magsasaka at maylupa. Hindi umano nasaklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang lupain sapagkat ang bawat may lupa ay nag-aari ng mas maliit na lupaing kailangan sa agrarian reform sapagkat mababa pa ito sa limang ektarya.
Pumasok umano ang mga magsasaka sa ilalim ng kanilang bungkalan at wala umanong legal na dahilan at prueba ng pag-aari. Ang mga biktima ay hindi pa nakatalang beneficiary ng agrarian reform. Binariul sila ng mga 'di kilalang armadong kalalakihan na di tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Nagsisiyasat na rin ang DAR sa insidente, dagdag pa ni Secretary Castriciones.
1 2 3 4 5