CMG Komentaryo: CAEXPO, nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas

2020-12-02 15:17:55  CMG
Share with:

Napakalaking bunga ang natamo sa katatapos na Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO).

Kumpara sa mga nagdaang CAEXPO, idinaos ito sa espesyal na kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ang pagdaraos nito sa nakatakdang panahon ay nagpapakita hindi lamang ng mabisang pagkontrol at pagpigil sa pandemiya, kundi determinasyon ng panig Tsino sa paggigiit ng pagbubukas sa mas mataas na lebel, at patuloy na pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Sa kabila ng espesyal na kalagayan ng pandemiya, natamo pa rin ng ika-17 CAEXPO ang napakalaking bunga. Walang duda, ito ay nakakapagbigay ng bagong puwersa sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang panig, at nagpapakita ng napakalaking potensyal ng kooperasyong Sino-ASEAN.

Sapul nang magsimula ang  kasalukuyang taon, mula China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) hanggang sa China International Import Expo (CIIE) at CAEXPO, malinaw na nakikitang  buong tatag na pinapalawak ng Tsina ang pagbubukas sa labas,  nagpupunyagi para sa pagpapa-ahon ng buong daigdig sa pamamagitan ng sariling pagbangon. 

At sa katunayan, nakikinabang dito ang iba’t-ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng mga bansang ASEAN.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method