Ngayong araw sa kasaysayan: Noong Mayo 14, 2017, idinaos ang Belt and Road Forum for International Cooperation

2022-05-14 10:28:19  CMG
Share with:

Ngayong araw, Mayo 14, 2022 ay ikalimang anibersaryo ng pagdaraos ng unang Belt and Road Forum for International Cooperation.

 

Taong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mungkahing magkakasamang itatag ang “Belt and Road” na naglalayong i-ugnay ang estratehiyang pangkaunlaran ng iba’t-ibang bansa, maisakatuparan ang pagkokomplemento ng bentahe ng isa’t-isa, at mapasulong ang komong kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon.

 

Bilang tugon sa mungkahing ito, idinaos mula noong Mayo 14 hanggang 15, 2017 sa Beijing ang unang Belt and Road Forum for International Cooperation na may temang “Pagpapalakas ng Pandaigdigang Kooperasyon, Magkakasamang Pagtatayo ng Belt and Road, at maisakatuparan ang Win-Win Result.”

 

Dumalo sa nasabing porum ang mga lider ng 29 na bansa na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, mga namamahalang tauhan ng pandaigdigang organisasyon, at halos 1,500 panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng mahigit 130 bansa sa buong daigdig.

 

Tatlo ang pangunahing hangarin ng porum na: una, komprehensibong lagumin ang positibong progreso ng pagtatayo ng “Belt and Road,” ipakita ang mahalagang bunga ng maagang ani, ibayo pang mapatibay ang pagkakasundong pangkooperasyon, at mapatatag ang mabuting tunguhing pangkooperasyon; ikalawa, magkakasamang talakayin ang mga mahalagang hakbanging pangkooperasyon sa susunod na yugto, ibayo pang pasulungin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng iba’t-ibang panig, at maisakatuparan ang komong kaunlaran; ikatlo, kasabay ng pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunang Tsino at pagsasaayos ng estruktura, pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon upang maisakatuparan ang win-win result. 

Sa kanyang keynote speech sa nasabing porum, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping na dapat itatag ang “Belt and Road” tungo sa landas ng kapayapaan, kasaganaan, pagbubukas, inobasyon, at sibilisasyon upang tumungo sa mas magandang kinabukasan.

 

Nitong 5 taong nakalipas, matatag na sumusulong ang mga kaukulang kooperasyon ng “Belt and Road” na winiwelkam at nilalahukan ng iba’t-ibang panig. Ang Belt and Road Forum for International Cooperation naman ay nagsisilbing mahalagang plataporma ng mga kaukulang bansa at organisasyong pandaigdig sa pagpapalalim ng pag-uugnayan, pagpapalalaim ng pagtitiwalaan, at pagpapalakas ng pagpapalitan.

 

Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na lumalaki ang pangangailangan ng pang-aangkat ng Tsina. Kasabay ng pagbibigay ng palaki nang palaking ambag para sa kasaganaan ng kalakalang pandaigdig, napapasigla ng Tsina ang paglaki ng kabuhayan ng mga bansang nagluluwas sa Tsina.

 

Bukod pa riyan, sa balangkas ng “Belt and Road,” sinusuportahan ng Tsina ang malawak na masa ng mga umuunlad na bansang Asyano, Aprikano, at Latin-Amerikano sa pagpapalakas ng konstruksyon ng mga imprastruktura. Bunga nito, walang patid na naihahatid sa mga umuunlad na bansa ang mga benepisyong dala ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa isang news briefing na idinaos noong Abril 19, 2022, isinalaysay ni Tagapagsalita Meng Wei ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, nilagdaan ng Tsina, kasama ng 149 na bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang mahigit 200 dokumentong pangkooperasyon ng Belt and Road Initiative.

 

Sa pag-uusap sa telepono na ginawa nitong Agosto 27, 2021, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, binanggit ng dalawang lider ang Belt and Road Initiative at Build Build Build program.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, na tinatanggap ng Pilipinas ang mas maraming pamumuhunan ng Tsina sa mga proyekto ng konstruksyon ng bansa, at inaasahan ang mas malaking bunga ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa imprastruktura.

Noong Abril 15, 2022, sa eksklusibong panayam ng China Media Group kay Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, ipinahayag niya na sa estratehikong patnubay nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, ang kooperasyong Sino-Pilipino ay nakakapaghatid ng aktuwal at napakalaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Mabisang nag-uugnayan ang “Belt and Road” Initiative at “Build Build Build Program,” bagay na natamo ang kapansin-pansing bunga.


Ani Huang, nitong ilang taong nakalipas, isinasagawa ng Tsina at Pilipinas ang halos 40 pampamahalaang proyektong pangkooperasyon. Hanggang sa ngayon, natapos na ang 16 na proyektong sumasaklaw sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), disaster relief work, lansangan at tulay, kooperasyong agrikultural, at iba pang larangan.

 

Sinabi niya na ang pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at “Build Build Build Program” ay hindi lamang nakakapagpasulong sa konektibidad sa lokalidad at nakakapagpasulong sa pagpapanumbalik ng kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino, kundi nakakabuti pa ito sa pagpapalagayan ng mga puso ng mga mamamayang Sino-Pilipino at nakakapagpalalim sa pagtitiwalaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan.

 

Inaasahan din aniya ng panig Tsino na ibayo pang mapapalalim ang pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at “Build Build Build Program” upang makuha ang mas mabungang resulta.

Sa katatapos na pambansang halalan ng Pilipinas, nagwagi si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Maraming beses niyang ipinahayag na itutuloy ang estratehiyang “Build Build Build.”

 

Sinabi niya na kinakailangan ng konstruksyon ng imprastruktura ng Pilipinas ang Tsina. Lubos aniyang kusang loob na pauunlarin ang pakikipagpalitang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina.

 

Nananalig tayong sa ilalim ng bagong administrasyong Pilipino, ibayo pang mapalalim ang pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at “Build Build Build Program” at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito

Pulido: Mac