Sa preskon ng Joint Prevention at Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina ngayong Linggo, Hulyo 23, 2022, ipinahayag ni Zeng Yixin, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na natapos na ng mga nakaluklok na lider ng partido at bansa ang pagpapabakuna kontra sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng sariling bansa.
Ito aniya ay lubos na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng lider ng Tsina sa gawain ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at ng kanilang mataas na pagtitiwala sa bakunang gawa ng bansa.
Bukod pa riyan, ani Zeng, aprobado na ng mahigit 100 bansa ang paggamit ng bakunang gawa ng Tsina.
Ayon kay Zeng, tinurukan din ng bakuna ng Tsina ang mga lider ng mahigit 30 bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Serbia, Turkey, Saudi Arabia, Jordan, Indonesia, Peru, at Chile.
Lubos nitong ipinakikita ang malawak na pagkilala ng komunidad ng daigdig sa bakuna na gawa ng Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Panibagong batch ng bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa Myanmar
Bakuna, importante laban sa mga Omicron sub-variant ng COVID-19 - WHO
Ang mga “imbensyong Tsino” na nagbibigay-benipisyo sa daigdig
Ikawalong batch ng bakuna kontra COVID-19 na ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya, dumating na
5 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa Kambodya
Tsina at Myanmar, nagtutulungan sa pagpoprodyus ng bakuna kontra COVID-19
Ligtas at mabisa ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina - FM ng Hungary