2024 China International Fruit Expo, idinaos: prutas mula sa Pilipinas, ibinida

2024-09-04 09:59:25  CMG
Share with:


Sa ilalim ng temang “World Fruit·China Market,” idinaos Agosto 28 hanggang 30, 2024 sa lunsod Shanghai, dakong silangan ng Tsina, ang 2024 China International Fruit Expo.

 


Kalahok dito ang higit 260 kompanya ng prutas ng Tsina, mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Pilipinas, at iba pang mahigit 30 bansa’t rehiyon.

 


Dahil sa mabuting kalidad, naging bida ang mga tropikal na prutas mula sa Pilipinas na gaya ng saging, pinya, durian at papaya.

 


Layon ng naturang kaganapan na pagsamahin ang de-kalidad na mapagkukunan ng prutas sa buong mundo, tipunin ang mga personahe ng industriya ng prutas, at talakayin kung paano mapapalakas ang koneksyon sa pagitan ng pinagmumulan at merkado, tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamimiling Tsino at ibayo pang pagsusulong ng pag-unlad at reporma ng kadenang industriyal ng prutas sa daigdig.

 


Ulat/ Video: Kulas

Pulido: Rhio