Isiniwalat kahapon ng media ng Estados Unidos (E.U.) na dahil posibleng hindi kakatigan ng mga oposisyon ng Syria ang interes ng E.U. sa sandaling umakyat sila sa poder, hindi pa gumagawa ang Amerika ng interbensyong militar sa Syria.
Sinabi kamakailan ni Martin Dempsey, Chairman ng Joint-Chiefs-of-Staff (CJCS) ng Amerika, na maaring tulungan ng tropang Amerikano ang oposisyon ng Syria sa pamamagitan ng paglansag sa hukbong panghimpapawid ng pamahalaan ng Syria. Ngunit, hindi ito ginawa ng Amerika aniya dahil walang paksyon sa oposisyon ng Syria ang nangako ng suporta sa Amerika sa sandaling maluklok sila sa puwesto. Dagdag pa ni Dempsey, ang pinakamabuting estratehiya para sa E.U. ay katigan ang isang paksyon na nakahandang kumatig sa Amerika.
Salin: Andrea