|
||||||||
|
||
Mga biktima ni "Yolanda" tumaas
SINABI ni Defense Undersecretary at National Disaster Risk Reduction and Management Center Executive Director Eduardo D. del Rosario na umabot na sa 1,833 ang nasawi samantalang may 2,623 ang nasugatan at may 84 na nawawala matapos hagupitin ng super typhoon "Yolanda" ang central Philippines noong Biyernes.
Tinatayang may P 761 milyon ang pinsalang idinulot ng bagyo sa pagawaing bayan at mga produkto ng mga sakahan kahit wala pang detalyes ang nababanggit. Ang mga lalawigan sa Southern Tagalog, MIMAROPA, mga bahagi ng Bicol, Central at Eastern Visayas at CARAGA ang nakararanas pa ng power outages. Nakabalik na ang kuryente sa buong Negros Oriental.
Ibinalita na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines na bukas na ang lahat ng paliparan sa bansa. Ang Tacloban Airport ay bukas na rin bagama't limitado sa mga turbo-prop airplanes ang pinapayagang maglakbay patungo sa Leyte.
Binuksan din ang paliparan sa Guiuan, Eastern Samar upang magamit sa pagdadala ng mga relief supplies sa lalawigang malubhang tinamaan ng bagyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |