|
||||||||
|
||
Naglaan ng salapi ang Asian Development Bank
MAY nakahandang $ 23 milyon na grants ang Asian Development Bank upang matugunan ang pangangailangan dulot ng pinsalang mula kay "Yolanda." Sa isang press briefing, sinabi ni Pangulong Takehiko Nakao na nakikipagtulungan ang ADB sa pamahalaan at iba pang international agencies nan a tutulong upang makabalik sa maayos na pamumuhay ang may 11 milyong kataong apektado ng super typhoon.
Sa salaping $ 23 milyon para sa madaliang relief assistance, $ 3 milyon ang mula sa Asia Pacific Disaster Response Fund, ang emergency assistance facility ng bangko, at $ 20 milyon ang mula sa Japan Fund for Poverty Reduction, isang trust fund na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Hapones. Makakasama ng ADB ang partner agencies.
Handa rin silang magpahiram ng hanggang US $ 500 milyon para sa iba't ibang mga proyekto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |