|
||||||||
|
||
Pangulong Xi Jinping, lumiham kay Pangulong Aquino
LUMIHAM si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at nagpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ni "Yolanda" noong nakalipas na Biyernes.
Ikinalungkot ni Pangulong Xi ang pagkasawi ng maraming mga mamamayan at malaking kawalan sa pamahalaan at mga naging biktima. Ipinarating niya ang mensahe sa ngalan ng mga mamamayang Tsino.
Binanggit ni Pangulong Xi na siya'y umaasang makalalampas ang mga mamamayan sa matinding pagsubok at makabalik sa normal na buhay sa pinakamadaling panahon.
Maliban sa donasyon ng China Red Cross, ang Pamahalaan ng Tsina ay naglaan ng US $ 100,000 para sa Pamahalaan ng Pilipinas. Mayroon ding in-kind assistance na inihahanda ang pamahalaang Tsino.
Ayon kay G. Zhang Hua, nagtamo rin ng pinsala ang Tsina mula kay "Haiyan" at batid nila ang paghihirap ng mga naging biktima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |