|
||||||||
|
||
Mga kawal, naglilinis na ng mga lansangan
NAGSIMULA nang maglinis ng mga lansangan ang mga kawal mula sa Military Engineers at 1st Special Forces battalion ng Philippine Army. Nilinis nila ang mga lansangan sa Tacloban upang makadaan ang mga mamamayan sa mga lansangan at madaling maihatid ang relief goods sa mga biktima ng bagyo.
Dumating ang mga kawal kahapon at kamakalawan upang tumulong sa Humanitarian Assistance and Disaster Response at makatulong sa mga nangangailangan ng clearing operations, paglilikas at paghahanap sa mga naging biktima.
Dalawang koponan ang dumating sa Tacloban, mula noong Lunes at kahapon. Madaragdagan ang mga sundalo sa mga susunod na araw.
May 11 mga M-35 trucks ang ipinahiram ng Philippine Army at darating ngayong mga oras na ito sa Tacloban at Guiuan Eastern Samar. Ginagamitan na rin ng helicopters ang malalayong pook upang pagdalhan ng mga pagkain.
Samantala, nagpahiram ang Estados Unidos ng isang C-130 cargo plane at dalawang Osprey aircraft na sinakyan ng mga kagamitan mula Maynila hanggang Mactan. Mayroon nang mula apat hanggang pitong sorties ang mga Americano sa loob at labas ng Tacloban City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |