|
||||||||
|
||
Pagbabasbas sa mga labi, inaasahang nagawa
UMAASA si Msgr. Joselito Asis, secretary general ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na nagampanan ng mga pari ang pagbabasbas sa mga labi ng mga naging biktima ni "Yolanda" sa Kabisayaan.
Sa isang panayam, sinabi ni Msgr. Asis na walang anumang pagtutol ang Simbahan sa pagkakaroon ng mass graves sapagkat kalusugan ng nakararami ang nakataya kung hindi ililibing ang mga labi ng nasawi sa bagyong "Yolanda."
Kung hindi man nababasbasan ang mga labia yon sa tradisyon ng Simbahan, may pagkakataon pa naman sa pamamagitan ng mga intensyon at panalangin sa loob ng Misa.
Magugunitang maraming mga nasawi sa hagupit ni "Yolanda" sa Central Philippines noong nakalipas na linggo samantalang mayroon pang mga nawawala.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |