|
||||||||
|
||
Mga Pinoy sa Saudi, makakauwi na sa bansa
HIGIT sa 600 mga kababaihan at bata ang darating mula Saudi Arabia sa susunod na ilang araw. Ito ang balita mula kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Binay na ibinalita ni Consul General Uriel Garibay ng Philippine Consulate sa Jeddah na mayroong 455 na Pilipina at 189 na kabataan ang dinala sa Al Shumaisy deportation center upang maproseso at makalabas ng kaharian.
Di tulad ng mga balitang kumalat sa Saudi Arabia, angmga Filipinong ito at kanilang mga anak, ay 'di dinakip sapagkat sumama sila patungo sa deportation facilities sa Al Shumaisy.
Dinala sila sa deportation center matapos mabalitaang tumatanggap sila ng mga illegal OFWs. Nagtulungan ang Consulate ng Pilipinas sa Saudi Ministry of Foreign Affairs at mga immigration authorities na nagtulungan upang makasakay sa mga bus ang mga Pilipinong pauuwiin na sa bansa.
Ang deportation center sa Al Shumaisy ang kaiisa-isang pook sa Jeddah na nagpoproseso ng mga OFW upang makauwi sa Pilipinas. Mananatili sila roon hanggang sa maihanda ang kanilang eroplanong sasakyan. Mas maganda ang matitirhan nila kaysa sa mga tolda sa iba't ibang bahagi ng lungsod.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |