|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Naganap alas-11:30 noong Agosto 12, ang pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina. Nakaimbak sa pasilidad ang mga delikado at nakakalason na kemikal. Ayon sa pinakahuling datos, 114 katao ang namatay sa pangyayari, mga 700 ang ginagamot sa ospital, at 70 iba pa ang nawawala. Sa mga bilang na ito, 50 bombero ang namatay, at 52 ang nawawala.
Makikita natin ang mga bombero kung saan may panganib. Habang nagmamadaling papalabas o papalayo ang mga tao, sumusugod naman papasok para makalapit sa lugar ng sakuna ang bayaning mga bombero.

Noong ika-7 ng Hulyo, 2015, nag-apoy ang electric meter box ng isang gusali sa Lalawigang Hubei, sa gitna ng Tsina. Nasunog ang mga bagay sa pasilyo. Isang 4 na taong gulang na batang lalaki ang nakulong sa 4th floor. Para hindi mapahamak ang batang lalaki, ibinigay sa kanya ng mga bombero ang kanilang sariling oxygen mask at helmet, at iniligtas siya.

Noong unang araw ng Hulyo, 2015, sa Britanya, naganap sa Smethwick Garbage Dump ang malaking sunog. Nasunog ang 100,000 metric tons na basura. Lumahok sa pag-apula ng apoy ang 200 bombero at ginamit ang 40 fire truck.

Noong ika-15 ng Hulyo, 2015, naganap sa Lunsod ng Chongqing, sa kanluran ng Tsina, ang malakas na pag-ulan. Inanod ang isang kotse. Iniligtas ng bombero ang kotse na ito mula sa baha.

Noong ika-19 ng Agosto, 2013, sa Lalawigang Guizhou, sa timog-kanluran ng Tsina, gustong tumalon ng isang babae mula sa 7th floor ng hotel dahil sa problema sa pag-ibig. Sa oras ng pagtalon niya, tumalon din ang isang bombero sa bintana sa katabing kwarto at iniligtas ang babae.

Noong ika-29 ng Marso, 2015, nakulong ang isang 6 na taong gulang na babae sa labas ng bintana kung saan ikinakabit ang air conditioner ng 2nd at 3rd floor. Iniligtas siya ng mga bombero.

Noong ika-7 ng Enero, 2014, sa Happy Pizza Shop, Amerika, nasunog ang shop na ito. Agarang naapula ang sunog ng mga bombero.
Salin: Andrea
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |