Pagkatapos ng mga kumperensiya ng Silangang Asya, dumating kahapon ng hapon ng Malacca State sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ng kanyang maybahay na si Cheng Hong, para pasimulan ang opisyal na pagdalaw sa Malaysia.
Sa pagbisita sa Museo ni Zheng He, ipinahayag ni Premyer Li na ang Tsina at Malaysia ay tradisyonal na mapagkaibigang magkapitbansa sa karagatan. Noong anim na siglo na ang nakaraan, bilang mapagkaibigang sugo, dumating ng Malacca ang plota ni Zheng He para sa kanilang mapayapang misyon at pagpapalitang may mutuwal na kapakinabangan sa komersyo at kultura.
Pagkatapos ng pagbisita, sa pagdinig ng report hinggil sa proyekto ng Malacca Industrial Park, ipinahaya ni Premyer Li na suportado ng pamahalaang Tsino ang pakikisangkot ng mga bahaykalakal na Tsino sa proyektong ito.
Sa kasalukuyan, pinapahigpit ang konektibidad sa pagitan ng lalawigang Guangdong ng Tsina at Malacca sa naturang proyekto. Ito ay makakatulong sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng kabuhayang pangkaragatan, kultura, turismo at iba pa.