Luang Nam Jha, Oudomxay, at Meng La, purok-hanggahan ng Tsina at Laos-Idinaos dito ang kauna-unahang mataas na pagtatagpo ng mga panig militar ng Tsina at Laos, mula ika-15 hanggang ika-16 ng buwang ito. Dumalo sa pagtitipon sina Ministrong Pandepensa Chang Wanquan ng Tsina at Ministrong Pandepensa Chansamone Chanyalath ng Laos.
Ipinahayag ni Chang na nananatiling mainam ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Laos. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang mga hukbong Tsino at Laotian, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang bansa, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at pangalagaan ang seguridad at katatagan sa purok-hanggahan. Ito aniya ay upang mapasulong ang malusog at matatag na pagtutulungan ng dalawang hukbo at estado.
Ipinahayag naman ni Chansamone Chanyalath na ang kasalukuyang pagtitipon ng panig militar ng Tsina at Laos ay makakatulong sa pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, pagpapahigpit ng pagpapalitan ng dalawang hukbo, at pangangalaga sa katatagan at seguridad sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang kanyang hukbo na magsikap, kasama ng hukbong Tsino, para ibayong palakasin ang kanilang pagtutulungan at pagkakaibigan, para sa pagbibigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, ipinalabas din ng dalawang panig ang magkasanib na kumunike.