Mga turistang Tsino, dumagsa sa Pilipinas
NAGPAPATULOY na lumago ang mga turistang mula sa Tsina sa panahong 2010 hanggang 2013. Ayon sa pahayag ng Bureau of Immigration and Deportation, nagkaroon ng 34.25% increase sa bilang ng mga turista mula 2010 hanggang 2011.
Nagkaroon ng 147,795 na turistang Tsino noong 2010 at lumago sa 2011 sa pamamagitan ng pagdalaw ng 198,291 na Tsino.
Lumago rin ito ng 2.8% kung ihahambing sa tourist arrivals noong 2012 sapagkat dumating sa bansa ang 203,838 na panauhing mula sa Tsina. Natampok naman ang 53.26% na itinaas sa paghahambing sa mga dumalaw sa Pilipinas hanggang sa ikalimang araw ng Disyembre na nagkaroon ng 312,395.
Pinakamaraming turistang dumating sa Pilipinas ang nagmula sa Korrea sapagkat sa pinakamataas na bilang na natamo noong nakalipas na taon ay umabot sa 1,015,802 katao. Pumangalawa naman ang mga turistang Hapones na umabot sa 385,636 noong 2012.
1 2 3 4 5