|
||||||||
|
||
Tigil-putukan, idinekalara ng mga gerilyang NPA
NAGDEKLARA ng ceasefire ang Central Committee ng Communist Party of the Philippines mula hatinggabi ng Martes, ika-24 ng Disyembre hanggang sa oras na 11:59 ng gabi ng Huwebes, ika-26 ng Disyembre. Mayroon ding ceasefire declaration mula hatinggabi ng Martes, ika-31 ng Disyembre hanggang 11:59 ng gabi ng Huwebes, ikalawang araw ng Enero 2014.
Ayon sa kanilang pahayag sa mga mamamahayag, ang lahat ng larangan ng mga NPA at kanilang mga kasamang armado ang titigil at hindi magsasagawa ng pananalakay laban sa mga kawal at pulis ng pamahalaan, kabilang na rin ang kanilang mga para-military forces.
Mananatili silang magtatanggol ng kanilang nasasakupan. Ayon sa kanilang pahayag, hindi mag-aatubili ang mga gerilyang magpaputok at lumaban kung sila'y sasalakayin ng mga kawal, pulis at paramilitary forces.
Nakikiisa rin ang mga gerilya sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ng mga Pilipino. Ipagdiriwang din ng Communist Party of the Philippines ang ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag na muli sa ika-26 ng Disyembre.
May dalawang araw pang extension para sa mga tauhan nila sa Silangang Kabisayaan, Panay Island, Central Visayas at Negros Island. Inatasan ang mga tauhan ng CPP na tumulong din sa mga nasalanta ni "Yolanda." Suspendido rin ang mga pananalakay sa Samar at Leyte islands hanggang sa kalagitnaan ng Enero, 2014, dagdag pa ng pahayag.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |