|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong website ng CBCP, inilunsad
MAY bagong website ang Catholic Bishops Conference of the Philippines na may pangalang choosetobebrave.org upang ihayag ang katuturan ng Year of the Laity sa darating na 2014. Mayroon din itong Facebook at Twitter accounts na may pareho ding pangalan.
Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, Pangulo ng CBCP sa isang pahayag. Naglalaman ito ng palatuntunan ng simbahan para sa pastoral action bawat buwan ng 2014 na nakatoon sa pagpapasigla ng pananampalataya. Isang paraan din ito upang iparating ng mga layko sa mga obispo ng bansa tungkol sa kalagayan ng pamilyang Pilipino.
Maaari ding sumagot sa survey form na ipinalabas ng Vatican bilang paghahanda para sa Extraordinary Synod of Bishops on the Pastoral Challenges of the Family. Iipunan ng CBCP ang lahat ng mga tugon at ipadadala sa Vatican. May pagkakataon na ang mga layko na iparating ang kanilang mga pananaw at saloobin at ninanais ng mga obispong pakinggan ang mga layko.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na hindi magtatagal ay sasapit na ang Kapaskuhan at naideklara na ang taong 2014 bilang "Year of the Laity" ng mga obispong Pilipino. Nananatiling hamon sa madla na maging mga banal at mga bayani. May katanungan din kung paano ba magiging bayani. Magaganap lamang ito sa pamamagitan ng katapangan.
Ani Arsobispo Villegas, ang mga bayani ang siyang nagsisilbing inspirasyon at nagpapainit ng damdamin ng taongbayan at mahal ng balana ang matatapang at may paninindigang mga mamamayan. Kahanga-hanga ang mga matatapang na tao.
Idinagdag pa niya na ang mga banal at bayani ang kailangan ng madla.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |