|
||||||||
|
||
melo20140121.m4a
|
Ayon kina Gabriela Party-List Congresswomen Luzviminda Ilagan at Emerenciana de Jesus, nakuha nila ang impormasyon sa Migrante International, isang non-government organization.
Sa kanilang House Resolution 444, nanawagan sila sa House Committees on Foreign Affairs at Justice na magsiyasat sa kalagayan ng mga OFW na detenido sa iba't piitan sa daigdig.
Mayroon umanong 7,000 OFWs na nabibilanggo sa iba't ibang bansa. Karamihan umano sa 108 OFWs na nasa deathrow sa 69 na piitan ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Tsina na akusadong drug couriers.
Nanawagan sina Gabriela Party-List Congresswoman Luzviminda Ilagan (nasa larawan) at Emerenciana de Jesus sa House Committees on Foreign Affairs at Justice na tulungan ang mga bilanggong sa iba't ibang piitan. Karamihan sa mga mabibitay ay nasa 69 na piitan sa Tsina, dagdag pa ng mga mambabatas. (Rep. L. Ilagan Legislative Office File Photo)
Kahirapan at kawalan ng hanapbuhay sa Pilipinas ang naging dahilan upang mangibang-bansa at nahulog sa bitag ng mga sindikato na nagbabayad sa mga drug courier ng mula US$ 500 hanggang $ 5,000. Nararapat lamang umanong magkaroon ng may kakayahang abogado ng dadalo sa kanilang mga suliranin.
Wala pang reaksyon ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa balitang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |