|
||||||||
|
||
Mga politikong sangkot sa PDAF at DAP, malabong magwagi sa 2016
SINABI ni Senador Miriam Defensor-Santiago na malabo nang magwagi ang mga politikong nasangkot sa iskandalo ng Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program sa napipintong halalan sa 2016.
Sa kanyang talumpati sa ika-40 anibersaryo ng Philippine Psychiatric Association sa EdSA Plaza Shangrila kanina, sinabi ni Gng. Santiago kahit sinong tumakbo para sa panguluhan, pangalawang panguluhan at maging sa senado ang matatalo sa halalan kung kakasuhan ng Ombudsman ng plunder o malversation na nag-uugat sa pork barrel scan at maging sa impeachment scam.
Wala umanong sinomang sangkot sa katiwalian ang magiging pangulo o pangalawang pangulo. Sumawa na umano ang mga Pilipino sa mga payasong nahalal sa pamahalaan.
Binalaan niya ang mga mamamayan na maging mapagbantay sa pagbaha ng mga press release na magmumula sa mga nagbabalak at nangangarap maging pangulo o pangalawang pangulo.
Hindi umano manager ang kailangan kungdi leader. Kailangan umanong mayroong kakaibang istilo, kakayahang lumutas ng mga suliranin, magaling may kakayahang magparating ng kanyang pananaw at kaisipan, at iba pang mga katangian.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |