|
||||||||
|
||
Hakbang ng Tsina tungo sa pagluluwag ng "one-child policy," maganda
NANINIWALA si G. Tewodros Melesse, Director General ng International Planned Parenthood Foundation na tamang hakbang ang ginawa ng Tsina sa pagluluwag sa "one-child policy."
Masalimuot ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng krisis sa pamilya at lipunan. Binanggit ni G. Tewodros Melesse, Director General ng International Planned Parenthood Foundation na isa sa pinakadahilan ng pangingibang-bansa ay kahirapan at kawalan ng hanapbuhay sa sariling bansa. Sa press briefing, nabanggit din niya ang magandang pangyayari sa Tsina na nagluluwag na sa one-child policy. (Melo Acuna)
Sa isang press briefing matapos ang opening ceremonies ng 7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights sa Philippine International Convention Center, sinabi ni G. Melesse, may kaluwagan ang Tsina sa mga minorya o katutubo at mga magsasaka at mangingisda. Ang mga solong anak ay bibigyan ng karapatang mag-anak ng higit sa isang sanggol.
Bagama't wala ng parusa sa sinumang magkakaroon ng higit sa isang supling, babayaran ng mga magulang ang pag-aaral at pagpapagamot ng mga supling na higit sa isa.
Hindi magtatagal ay higit na magiging maluwag ang bansang Tsina sa mga susunod na panahon.
Kasama ni G. Melesse sa pagharap sa mga mamamahayag sina Jeross Aguilar, Chairperson, Youth Steering Committee ng Family Planning Organization of the Philippines at Ang Kanyang Kamahalan Gusti Pembayun, Royal Princess ng Kaharian ng Yoghayarta, Indonesia.
Matagagal ang pangrehiyong pagpupulong hanggang bukas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |