|
||||||||
|
||
Hari ng Sweden, dumating sa Pilipinas
DUMATING na sa Pilipinas Ang Kanyang Kamahalan Haring Carl XVI Gustaf ng Sweden. Sinalubong siya ni Education Secretary Brother Armin Luistro, European Affairs Assistant Secretary Maria Zenaida Angara Collinson, Non-Resident Philippine Ambassador to Sweden Bayani Mercado at Jose Rizal Pangilinan, Regional Director ng World Organization ng Scout Movement.
Ang hari ang panauhing pandangal sa Invitational Peace Jamboree ng Boy Scouts of the Philippines sa ika-isang daang taon ng pagkakatatag ng samahan sa bansa.
Kasama si Kalihim Brother Luistro sa Boy Scouts of the Philippines at namumuno sa dalwang milyong scout members sa Pilipinas. Ikatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming kasapi sa bansa, kasunod ng Boy Scouts of America at Boy Scouts of Indonesia.
Magtatagal ang Hari ng Sweden sa Pilipinas hanggang sa Linggo, ika-26 ng Enero. Dadalaw siya kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na Chief Scout, dadalaw din siya sa Coconut Palace at makakaharap ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na kasalukuyang National President ng Boy Scouts of the Philippines na magpapahapunan sa karangalan ng dumadalaw na hari.
Nakatakda rin siyang dumalaw sa Tacloban City upang makita ang iba't ibang proyekto ng Boy Scouts of the Philippines at iba pang tinutulungan ng Swedish government sa pamamagitan ng UN Office for Coordination of Humanitarian Assistance matapos hagupitin ng bagyong "Yolanda."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |