Arsobispo Lagdameo: tulong sa pagpapabahay, kailangan
SINABI ni Jaro (Iloilo) Archbishop Angel N. Lagdameo na nangangailangan ang mga mamamayan ng hilagang bahagi ng Iloilo ng mga kagamitang para sa pagtatayong muli ng kanilang mga tahanan.
Sa isang panayam, nagpasalamat siya sa mga tumulong sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" tulad ng pagkain at damit.
Kailangan ngayon ang ayuda sa pagpapatayo ng tahanan para sa mga biktima ng napakalakas na bagyo noong nakalipas na Nobyembre 8. Idinagdag pa ng arsobispo na ang salaping natatanggap ng kanyang arkediyosesis ay inilalaan sa pabahay sa may Estancia, Iloilo.
Ikinatuwa ng arsobispo na kahit walang bubong ang mga simbahan ay hindi nabawasan ang mga nagsisimba.
1 2 3 4