|
||||||||
|
||
Delegasyon ng mga mangangalakal mula sa UAE, dumalaw sa Pilipinas
NAGSIMULANG mag-usap ang mga mangangalakal mula sa Pilipinas at United Arab Emirates kahapon sa isang business forum na dinaluhan nina Trade and Industry Secretary Gregory L. Domingo at Minister Sultan Bin Saeed Al-Mansouri sa Makati Shangri-La Hotel.
Binubuo ng 22-kataong mangangalakal ang delegasyon na kinabibilangan ng mga chief executive officers na dumalaw upang tingnan ang kalakaran ng investments at trade sa Pilipinas.
Sa isang panayam kay Secretary Domingo, interesado umano ang mga negosyante sa larangan ng hotels, petrochemicals at real estate. Inanyayahan din ang mga mangangalakal na Pilipino na bumuo ng isang business delegation na dadalaw sa Abu Dhabi sa mga susunod na Abril upang makadalo sa pagtitipon ng may 3,000 investors.
Bagama't wala pang kalakalang magaganap, magpapalitan sila ng mga talaan ng mga kumpanya at magsusuri at saka lamang mababatid kung anong kasunduan ang maaaring mauwi sa kalakalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |