|
||||||||
|
||
Tagumpay ang pagdalaw ng UAE business delegation
INTERESADO ANG UAE SA TURISMO, ATBP. Ito ang sinabi ni Minister of Economy Sultan Bin Saeed Al-Mansouri sa isang panayam kanina. Matagumpay ang kanilang pagdalaw sa Pilipinas, dagdag pa ni G. Al-Mansouri sapagkat interesado rin sila sa small at medium enterprises. (Melo M. Acuna)
NAGING maganda ang pagdalaw at pakikipag-usap ng 22-kataong business delegation mula sa United Arab Emirates kahapon.
Sinabi ni UAE Minister of Economy Sultan Bin Saeed Al-Mansouri na isang eye-opener ang kanilang pagdalaw sa Pilipinas sapagkat ito ang una nilang pakikipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Pilipino.
Sa isang panayam kanina bago lumisan ang delegasyon patungong Malaysia, sinabi ng ministrong umaasa silang magkakaroon ng magandang kalakalan ang dalawang bansa.
Seryoso silang magkalakal sa larangan ng turismo, small at medium enterprises at maging sa larangan ng information technology sapagkat malaki ang potensyal ng dalawang bansa.
Kailangan ding magkaroon ng promosyon para sa ganitong kalakal sa Gitnang Silangan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |