|
||||||||
|
||
Pito sa bawat sampu Pilipino, hirapang magbayad ng kuryente
NABATID sa isang survey na karamihan ng mga Pilipino ang hirapang magbayad ng kanilang kuryente. Ang Ibon Foundation ang nagsagawa ng pag-aaral.
Sa isang survey na kanilang ginawa noong nakalipas na Enero, nabatid na 66.5% ng mga tumugon ang nagsabing hirapan silang magbayad ng kuryente samantalang 25.8% ang nagsabing hindi naman sila nahihirapang magbayad ng kanilang electric bills.
Sa ilang rehiyon, pinakamataas ang hirapang magbayad ng kuryente ang mga taga Cordillera Autonomous Region (96.4%), Cagayan Valley (77.8%), Southern Mindanao (75.6%), Ilocos Region (74.7%) at National Capital Region (71.8%).
Mayroong margin of error na plus or minus three percent sa pambansang average ang survey na ginawa mula ika-16 hanggang ika-24 ng Enero sa 1,500 respondents na 18 taong gulang pataas. Ginawa ang survey sa iba't ibang sektor sa 17 rehiyon sa paggamit ng multi-stage probability sampling scheme.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |