Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Stratehiya ng Tsina sa industriya ng palay, maganda

(GMT+08:00) 2014-02-26 18:28:59       CRI

Arsobispo Villegas, nababahala sa naganap sa EdSA

MAYROONG mixed feelings si Arsobispo Socrates Villegas, ang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung EdSA People Power 1 ang pag-uusapan.

Sa kanyang homiliya sa EdSA Shrine kahapon sa pagdiriwang ng EdSA People Power 1, sinabi niyang natutuwa siya sa ala-ala ng pagsasama-sama ng mga mamamayan subalit nalulungkot din at nagtatanong, "ito na lamang ba ang natitira?" Niliwanag niyang wala sa kanyang layunin na ibahagi ang kanyang kalungkutan bagkos ay ang kaligayahang matatagpuan sa Mabuting Balita ng Panginoon.

Marami umanong naganap sa bansa noong 1986 at hindi maaaring ikwento ang pangyayari kung hindi makakasama ang Panginoon.

Ani Arsobispo Villegas, namayapa na si dating Pangulong Corazon Aquino at Jaime Cardinal Sin at iba pang mga bayani ng EdSA subalit kailangang alalahanin ang mga rosaryong ginamit sa pagdarasal Huwag ding kalimutan ang imahen ng Our Lady of the Immaculate Heart na inilagay sa mga tangke.

Hindi kailanman magaganap ang EdSA kung hindi niloob ng Diyos, dagdag pa ni Arsobispo Villegas. Nakasama ng mga mamamayan ang Diyos at naganap ang mga hindi inaasahan.

Sana raw ay maging daan ang EdSa upang higit na maging mapanuri ang mga mamamayan. Ang tanong umano ngayon ay: Kasama ka pa ba ng Diyos? Lumayo na ba ang mga Pilipino sa Diyos?

Kung nanaisin umano ng mga pinuno ng bansang idaos ang pagdiriwang ng EdSA sa Cebu o sa Baguio o sa Mindanao, hayaan na lamang sila subalit kailangang kilalanin ang kabanalan ng EdSA Shrine sapagkat naganap ang pagsasama ng Diyos at mga mamamayan sa loob ng apat na araw noong Pebrero 1986 at hindi na mababago pa ang Kasaysayan, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>