Pagdududa sa mga mambabatas, maiibsan
MABABAWASAN ang pagdududa ng mga mamamayan sa mga mambabatas sa pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglagda sa isang kasulatan at pangako sa taongbayan na tanging ang mga pagbabawal sa pagkakalakal ang sususugan.
Hiniling ni Buhay Party List Congressman Joselito L. Atienza, Jr. na lumagda ang mga mambabatas sa pamamagitan ng House Resolution 864 na ipinadala sa House Committee on Constitutional Amendments upang talakayin.
Nababahala umano ang mga mamamayan na baka paki-alaman na rin ang iba pang mga probisyon ng Saligang Batas ng 1987. Kabilang sa pinangangambahang pagbabago sa Salaigang batas ang mga usaping politikal tulad ng term extension ng mga nakaluklok sa poder.
Si House Speaker Feliciano Q. Belmonte, Jr. ang principal author ng Resolution of Both Houses No. 1 na nananawagan sa pag-aalis ng mapanikil na probisyon ng Saligang Batas sa paglalagay ng katagang "unless otherwise provided by law."
1 2 3 4 5