|
||||||||
|
||
Mga 600 Pilipino ang namamatay dahilan sa rabies taun-taon
UMAABOT na sa higit sa 600 katao ang nasasawi dahilan sa rabies taon-taon sa Pilipinas at madaragdagan pa ito kung 'di tutulong ang mga nasa pamahalaan sa pagsugpo ng problemang ito.
Ipinanukala ni Congressman Gavino Pancho ng Ikalawang Distrito ng Bulacan na nananawagan sa mga kumpanya ng gamot na gumawa ng special single repackaging ng bakuna laban sa rabies.
Ayon sa panukalang-batas, papayagan ang Department of Health na mga maki-pag-usap sa mga kumpanya ng gamot na gumawa ng bakuna para sa lahat ng pagamutang pag-aaari ng pamahalaan.
Idinagdag ng mambabatas na ngayon ay mayroong bakuna para sa tatlong pasyente na sabay na itinuturok. Ang sinumang pasyente ay mangangailangang maghintay ng dalawang iba pa upang masaksakan ng bakuna.
Mayroon umanong 400 mga klinika sa buong bansa at 20 ang matatagpuan sa Metro Manila kasama na ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa at San Lazaro sa Maynila.
Sinabi ni Congressman Pancho na ika-lima ang Pilipinas sa talaan ng World Health organization kung sa karamihan ng mga usaping dulot ng rabies.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |