Pilipinas, handa na sa pandaigdigang kalakalan
![]( /mmsource/images/2014/03/07/3c7d124914df4ea8bc6b6ad6e56f0d30.jpg)
MAYROONG SOLID BANKING SYSTEM SA PILIPINAS. Ayon kay G. Antonio V. Paner ng Bank of Philippine Islands, handa ang mga bangko sa Pilipinas na tumustos sa mga mangangalakal na maglalagak ng negosyo sa Pilipinas. Hindi lamang sa larangan ng pautang kungdi sa iba't ibang pangangailangan ng mga kliyente hanggang sa retirement programs. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Antonio V. Paner, Executive Vice President, Treasurer at Head ng Global Markets Group ng Bank of the Philippine Islands na patuloy ang pagpapadala ng salapi ng mga manggagawang nasa ibang bansa, kinakikitaan ng paglaki ng working age Filipinos at pagkakaroon ng disposable income na sinabayan pa ng mababang interest rates.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal kanina, sinabi ni G. Paner na ang mga pangyayaring ito ang nagdudulot sa Pilipinas ng kaakibat na biyaya at handa na rin ang bansa sa pandaigdigang kalakal. Naging mas maganda ang naganap at nahigtan ang projections ng mga mangangalakal at mga opisyal ng pamahalaan.
Nawala na umano ang Pilipinas sa bottom third sapagkat nakita na ito sa mga ratings na ibinigay ng mga kinikilalang rating agencies. Hindi pa umano nagkaroon ng pagliit ang kaunlarang nagaganap sa Pilipinas. Isa ang Pilipinas sa mauunlad na bansa sa Asia at mayroong solid banking system. Maganda rin ang exchange rate, mayroong manageable wage increase at world class na ang information Communication Technology.
1 2 3 4 5