|
||||||||
|
||
Alert Level sa Venezuela, itinaas na
MULA Alert Level 1 na nangangahulugan ng precautionary phase, itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 o restriction phase ang bansang Venezuela.
Itinaas ang Alert Level 2 sa pagkakaroon ng tunay na panganib sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino dahilan sa kaguluhan mula sa loob at labas ng bansa.
Pinayuhan ang mga Pilipino na huwag munang lumabas ng kanilang mga tahanan, umiwas sa matataong pook at maghanda sa posibleng paglikas.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang Department of Labor and Employment ang papaya sa mga manggagawa na may mga kontrata (balik-manggagawa) na makabalik sa kanilang pinaglilingkuran.
Ang Embahada ng Pilipinas sa Mexico na nakakasakop sa Venuzuela, ang nagpadala ng mga tauhan sa Caracas upang magsuri at makipagtulungan sa Honorary Consul General sa Venezuela at tumulong sa may 104 na mga Pilipinong naroroon ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |