![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pagbubukas ng Manila Cathedral, gagawin sa Semana Santa
Photo no. 4 - MANILA CATHEDRAL, BUBUKSAN SA SEMANA SANTA. Ang isang landmark sa Maynila, ang Katedral ng Immaculada Concepcion ay mabubuksan na sa darating ika-13 ng Abril. Ayon kay Msgr. Nestor Cerbo, rector ng katedral, sinusuri pa ng project manager ang gusali kung maaari nang pakinabangan ng madla. (Roy Lagarde)
MABUBUKSAN na ang Manila Cathedral sa darating na Semana Santa.
Ayon kay Msgr. Nestor Cerbo, ang rector ng Manila Cathedral, nakatakdang buksan ito sa madla sa Linggo ng Palaspas, sa ika-13 ng Abril matapos ang dalawang taong pagsasaayos.
Bagaman, wala pa rin itong katiyakan sapagkat susuriin pa ng project manager ang nagawang pag-aayos at pagpapaganda. Kaligtasan ng madla ang kanilang prayoridad, dagdag pa ni Msgr. Cerbo.
Noong nakalipas na taon, sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na balak nilang buksan ang basilica sa pagsapit ng Disyembre. Nalipat na naman ang target date at naging ika-25 ng Marso subalit may mga nakita pang depekto na dapat ayusin.
Unang inayos ang loob ng katedral. Isusunod na lamang ang pag-aayos ng kapaligiran nito. Isinara ito noong Pebrero 2012 matapos mabatid na may pagdududa sa structural integrity nito.
Umabot na umano sa P 120 milyon ang gastos sa pagpapaagawa ng 54 na taong simbahan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |