Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, napapansin na ng iba't ibang bansa

(GMT+08:00) 2014-03-07 18:26:46       CRI

Matagal na pinaghahanap na akusado ng wide-scale estafa, nadakip na

DELFIN LEE NG GLOBAL ASIATIQUE, NADAKIP.  Dinala na sa Campo Crame si Delfin Lee, isa sa mga pinaghahanap na akusado sa P 6.6 bilyong syndicated estafa.  Pinanindigan ng Malacanang na legal ang pagdakip sa mangangalakal.  (PNP PIO Photo)

NAHULOG na sa kamay ng pamahalaan si Delfin Lee, ang nagtatag ng Globe Asiatique na diumano'y nangloob sa mga kasami ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund.

Ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, chairman ng Board of Trustees ng Pag-IBIG Fund, umaasa siyang malilitis si G. Lee sa pinakamadaling panahon.

Sa panayam, sinabi ni G. Binay na patunay ito sa determinasyon ng pamahalaan na iharap sa katarungan ang developer na gumamit ng ghost borrowers at mga palsipikadong dokumento upang makuha sa PagIBIG Fund ang higit sa P 6 bilyon.

Suportado rin ni G. Binay si Justice Secretary Leila de Lima na nagsabing walang labag sa batas sa pagdakip kay Delfin Lee. Idinagdag ng pangalawang pangulo na mayroong standing warrant laban kay Lee.

Nadakip si Lee sa isang hotel sa Maynila kagabi hinggil sa usaping umabot sa P6.6 bilyong syndicated estafa.

Ayon sa grupo ni Delfin Lee, wala nang warrant of arrest na naguutos ng pagkakadakip sa kanya.

Kabilang si Lee sa limang mga nagtatago sa batas tulad nina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si Mario Reyes, dating Army General Jovito Palparan, dating Dinagat Congressman Ruben Ecleo, at mga lider ng New People's Army na sina Benito Tiamzon at Jorge Madlos.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>