|
||||||||
|
||
我(wǒ)们(men)几(jǐ)点(diǎn)见(jiàn)面(miàn)? 在(zài)哪(nǎ)儿(er)见(jiàn)面(miàn)?
20140506Aralin6Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Susunod, maaring gusto ninyong malaman kung anong oras o saan kayo magtatagpo. Sa wikang Filipino, maari nating sabihing kailan at saan tayo magkikita? Ang katumbas nito sa wikang Tsino ay 我(wǒ)们(men)几(jǐ)点(diǎn)见(jiàn)面(miàn)? 在(zài)哪(nǎ)儿(er)见(jiàn)面(miàn)?
我(wǒ)们(men). Dito, ang我(wǒ)们(men) ay nangangahulugang tayo.
几(jǐ), alin, ano.
点(diǎn), oras.
几(jǐ)点(diǎn), anong oras
见(jiàn)面(miàn), magkita o magtagpo.
在(zài), isang pang-ukol. Dito, ito ay katumbas ng "sa" sa Filipino, na tumutukoy sa lokasyon.
哪(nǎ)儿(er), saan.
Narito ang usapan:
A: 我们几点见面?在哪儿见面? Kailan at saan tayo magkikita?
B: 晚上八点。在北京饭店。Alas-otso ng gabi. Sa Beijing Hotel.
Mga Tip ng Kulturang Tsino:
Sa kanluran, kapag ang mga tao ay tumataggap ng regalo, sinasabi nilang "salamat" tapos ngumingiti, humahalik at yumayakap sila sa nagbigay bilang pagpapahayag ng pasasalamat. Gayunman, kung tradisyon ang pag-uusapan, kapag ang mga Tsino ang tumanggap ng regalo, lagi nilang sinasabing "hindi, huwag, o hindi ko matatanggap iyan." Sa katotohanan, ito ay magalang na pamamaraan. Kung tumatanggap man sila ng regalo, hindi nila ito binubuksan sa harap ng nagbigay. Naniniwala rin sila na ang mga bagay na may-halaga lamang ang puwedeng iregalo at lubos na makapagpapahayag ng kanilang damdamin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga inireregalo ng mga Tsino ay mahahalaga o mamahaling bagay lamang.
Diyan po nagtatapos ang ating aralin sa linggong ito. 非常感谢!maraming salamat po. 多保重! Magpakaingat kayo! 再见!Paalam.
Maligayang pag-aaral!:)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |