DBM Secretary Abad hinggil sa 5.7% GDP Growth: Maayos pa rin
SA pagsisimula ng 2014, sinabi ni Budget and Management Secretary Florencio Abad na nahaharap ang bansa sa isang matinding pagsubok sapagkat sa nakalipas na 10 buwan noong 2013 ay nasadlak ang bansa sa corruption scandals sa burukrasya ng Pilipinas hanggang sa manalasa ang bagyong "Yolanda."
Ayon kay Kalihim Abad, ang mga datos sa unang tatlong buwan ng taong 2014 ang nagpapakita ng kahirapan ng pagbangon. Tumama si Yolanda samantalang umaangat na ang pagsasaka at pangisdaan.
Bagaman, umangat pa rin kahit may kabagalan nga lamang. Ang paggasta ng pamahalaan ay may mahalagang papel sa pag-unlad. Ang public construction ay tumaas sa 22.3% dahilan sa 49.2% increase sa paggasta ng pamahalaan sa infrastructure at capital outlay noong Enero hanggang Pebrero ng 2014. Nakatulong ito sa pagkakaroon ng 7.7% capital formation sa unang tatlong buwan kahit pa nagkaroon ng kabawasang 6% sa private construction sa parehong panahon.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11